Handang makipagtulungan ang Commission on Human Rights (CHR) sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa umano’y pang-aabuso sa karapatang pantao noong isinasagawa ang drug war sa nakaraang administrasyon.
Ayon kay CHR chairperson Richard Palpal-latoc, handa ang komisyon na ibahagi sa ICC ang mga ebidensyang nakalap nito sa mga nagdaang imbestigasyon dahil public documents naman daw ito.
Dagdag pa ni Palpal-latoc, wala siyang nakikitang problema rito dahil ang CHR ay isang independent constitutional body ng gobyerno.
Sa huli, kinlaro nito na hindi bahagi ng kanilang mandato ang pagpapayag sa pagpasok ng ICC sa bansa.
