Babae, arestado sa drug buy-bust operation sa bayan ng Daraga, Albay

Arestado ang 39 anyos na babae sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Kimantong bayan ng Daraga, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Madelaine” na residente ng Brgy. Market Site ng nasabing bayan.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ayon sa report, gabi nang ikasa ng mga kapulisan ang naturang operasyon sa nabanggit na lugar kung saan kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu at mahigit tatlong libumpisong halaga ng  buy-bust money.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Narekober din sa kanya ang isa pang plastic sachet na may lamang suspected shabu  na may timbang na humigit-kumulang isang gramo na nagkakahalaga na mahigit anim na libumpiso.

Ang suspek ay nasa kostudiya na ng Daraga MPS para sa kaukulang disposisyon.