Umaasa si head coach Chot Reyes na magkakaroon ng full three months na paghahanda para sa Gilas Pilipinas, bago ang upcoming FIBA World Cup sa 2023.
Ito ay sa harap na patuloy na nahihirapan ang team ng bansa sa ilang international tournaments.
Ayon kay Reyes, na sa mid-May 2023, makokompleto ang pool ng mga players ng team, na handang sumailalim sa mahigpit na three-month training para sa World Cup.
Samantala, nananatili namang positibo ang naturang coach na makakabuo ng malakas na line-up para sa susunod na tournament, sa kabila ng mga batikos na bumabalot laban sa kanya at sa team.
Kaugnay nito, ikinokonsidera ni Reyes sina June Mar Fajardo at Japheth Aguilar para masama sa team, gayundin sina Calvin Oftana at Jamie Malonzo, kasama sina Ray Parks Jr., Carl Tamayo, at Kiefer at Thirdy Ravena.
