DOH Bicol at CHO Legazpi, maglulunsad ng pagbabakuna sa isang pribadong botika sa lunsod

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Health (DOH) Bicol at City Health Office ng Legazpi na isasagawa ngayon araw ang launching ng “COVID-19 Bakuna sa Mercury Drugstore” na gaganapin sa Washington Drive, Legazpi City, alas 9 ng umaga.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Target ng ahensya na mabakunahan ang kanilang mga empleyado at pamilya na hindi pa nababakunahan o kulang pa sa bakuna.

Layunin ng aktibidad na ito na mailapit ang bakuna sa publiko at mapataas rin ang vaccination rate sa sa lunsod.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Tatanggap rin sila ng walk-in applicants na nais ng makatanggap ng bakuna.