Chinese national, hinihinalang hacker at isa sa big boss ng Lucky South 99, naaresto sa La Union

Arestado ng Bureau of Immigration ang isang Chinese national na hinihinalang hacker at isa sa mga big boss ng Lucky South 99 na nasa likod ng POGO  hub sa Porac Pampanga.

Ayon sa mga otoridad malaki ang papel ng naarestong boss ng Lucky South 99 dahil sa kanyang papel na pagiging hacker ng grupo.

Read More:  CIDG summons Sen. Bato over alleged EJK cases

Sinabi ni Bureau of Immigration Figutive Search Unit Chief Rendel Sy, hina-hack ng mga suspek ang mga bank account ng kanilang kliyente sa US, UK, at Middle East.

Read More:  House of Representatives impeaches VP Sara Duterte

Napag-alaman din ng BI na sinisimulan na ng mga Big Boss na ilipat ang operasyon sa ibang lugar sa Norte dahil umiinit na ang isyu ng POGO sa Pampanga.

Iimbestigahan din ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang naarestong hacker para makakuha ng karagdagang impormasyon sa ibang boss ng Lucky South 99.