Pangulong Marcos, naka-alis na patungong Washington DC

Nakaalis na si Pangulong Bongbong Marcos eksaktong alas 2:56 ng hapon para sa dalawang araw na trilateral summit sa Washington DC.

Sa kanyang departure speech, binanggit ni Pangulong Marcos na maituturing na historic ang magiging pagpupulong nila nina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumiyo Kishida.

Muli ring nilinaw ng Pangulo na bagamat mapag uusapan ang patungkol sa seguridad at depensa, sesentro ang trilateral summit sa pagpapalakas ng cooperation ng Pilipinas, US at Japan hinggil sa usapin ng ekonomiya.

Gayundin ang pagsusulong sa paggamit ng clean energy at pagpapalawak sa kooperasyon sa mahahalagang industriya tulad ng critical infrastracture semi-conductors, digitalization at cyber security.

Kasama rin ang renewable energy at defense and maritime cooperation.

Magkakaroon din ng bilateral meeting si Pangulong Marcos at US President Biden at may naka linya ring meeting sa business community.

Umaasa naman ang Pangulo na mag uuwi sya ng magandang resulta mula sa trilateral meeting.

Samantala sa pambihirang pagkakataon, tatlo ang caretaker na itinalaga ni Pangulong Marcos habang sya ay nasa US.

Ito ay sina Vice President Sara Duterte, Executive Secretary Lucas Bersamin at DAR Secretary Conrado Estrella III.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *