Chinese embassy, nanawagan sa Pilipinas na protektahan ang mga Tsino sa bansa

Nanawagan ang embahada ng China sa Pilipinas na protektahan ang mga Tsino sa bansa matapos matagpuang patay ang isang Chinese at isang Chinese-American na biktima umano ng kidnnap for ransom.

Batay sa autopsy walang nakitang malalang sugat o tama ng bala sa mga biktima maliban sa mga pasa sa katawan.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Ayon sa PNP Anti-Kidnapping Group, hinahanap nila ang huling kausap ng mga biktima na isa ring Chinese nationals dito sa Pilipinas.

Sinabi rin ng mga pulis na tumuwag umano ang mga dumukot sa biktima para manghingi ng 5 milyon yuan o katumbas ng P40 milyon.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Mababatid na nagpulong sina Executive Sec. Lucas Bersamin at Chinese Ambassador Huang Xilian para palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at China laban sa transnational criminal activities