Iginiit ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning na pahihintulutan nila ang Pilipinas na mag-deliver ng supplies at ilikas ang mga sundalo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal basta’t magbibigay ito ng abiso.
Ayon kay Mao papayagan nilang makapasok ang Pilipinas sa South China Sea ngunit hindi nito pwedeng gawing dahilan para subukang sakupin umano ang Reani Reef o ang Ayungin Shoal.
Sinabi ito ng China kasunod ng pagharang ng CCG sa medical evacuation para sa isang Pilipinong sundalo noong Mayo.
Pasok ang Ayungin Shoal sa 200-nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.
