China – nakabantay sa joint maritime exercises ng PH, Amerika

Masusi umanong nakamasid ang China sa joint maritime exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ito ang mariing babala ng Chinese embassy sa Maynila sa gitna nagpapatuloy na taunang war games ng Amerika at Pilipinas sa West Philippine Sea at sa iba pang mga lugar sa bansa kung saan kalahok ang maraming bansa bilang observers.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Sinabi ng embahada na tinututulan din ng China ang umano’y external interference at harassment sa disputed waters gayundin sa bloc confrontation.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Dagdag pa ng Chinese Embassy na handa ang Tsina na tugunan ang mga hakbang ng anumang may kaunayan sa mga aksiyon ng Amerika at Pilipinas.