China nagsagawa ng military drills sa paligid ng Taiwan

Nagsagawa ng military drills ang China sa palaigid ng Taiwan kahapon na tinawag nitong stern warning sa self-ruled island’s government.

Agad na kinondena ni Taiwanese President Tsai Ing-wen ang military drills, na nangyari pagkatapos niyang makipagpulong kay US House Speaker Kevin McCarthy sa California.

Read More:  France to deploy more police amidviolent protests

Nanawagan rin ang Pangulo sa Washington na mapigilan ang hakbang at hiniling na mahigpit na subaybayan ang mga aksyon ng Beijing.

Read More:  17 killed, over 20 injured in stampede at India’s Durga Puja festival

Tinaguriang “Joint Sword”, tatlong araw na magsasagawa military drills ang China na matatapos ngayong araw.

Kabilang sa excercises ang live-fire drills sa baybayin ng lalawigan ng Fujian sa China na nakaharap sa Taiwan.//CA