China, naglunsad ng kampanya laban sa mga ‘illegal fertility treatment’

INILUNSAD ng China ang kampanya laban sa mga iligal na aktibidad sa paggamit ng reproductive technology tulad ng pagbili o pagbebenta ng sperm o egg cells at surrogacy.

Naglaan ng anim na buwang kampanya ang bansa upang masugpo ang malawakang pangamba ng publiko.

Ayon sa labing-apat na ministro ng gobyerno kabilang ang National Health Commission (NHC) ng bansa, ang assisted reproductive technology ay maari lamang gamitin sa 543 na inaprubahang institusyong medikal ng China.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kung kaya’t tiniyak ng gobyerno na tutukan nito ang pagsugpo sa mga iligal at kriminal na aktibidad kabilang ang pamemeke, pagbili at pagbebenta ng birth medical certificate mula Hunyo haggang Disyembre ngayong taon.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sinabi rin ng NHC na mayroon pang ibang mga hakbang na ilulunsad at pagpapataas ng mga parusa para sa mga institusyong medikal at tauhan na lalabag sa mga regulasyon.

Sa kasalukuyan, pinapayagan lamang ng China ang mga babaeng may asawa na maka-access ng fertility treatment tulad ng ‘in vitro fertilization’ (IVF) at ‘egg-freezing technologies’.### HARLIN LUMIBAO, Intern