LEGAZPI CITY – Target ngayong tapusin ng Local Government Unit (LGU) ng Tiwi, Albay ang pagbibigay ng maayos na supply ng tubig sa14 na mga barangay nito.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Mayor Jaime Villanueva, sinabi nito na nagkaroon sila ng proyekto katuwang ang Philippine Rural Development Program para sa nagkakahalagang mahigit PHP240M na water system sa 14 na barangay.
Ito ay kinabibilangan ng mga barangay ng Naga, Sugod, Putsan, Bolo, Baybay, Cale, Cararayan, Libjo, Tigbi, Biyong, Gajo, Libtong, Bagumbayan at Oyama na kung saan mayroong dalawang pagkukuhanan ng supply ng tubig at ilan dito ay ang bukal at ilog.
Paliwanag ng alkalde, prayoridad sa taon ito ang paglalagay ng maayos na water system dahil matagal na itong pinoproblema ng bayan.
Dahil dito, kinakailangan ng LGU na magkaroon ng long project sa bayan upang mabigyan ng maayos na supply ng tubig ang mga barangay o residente.