China – nagbabalang huhulihin na ang mga ‘foreigners’ sa WPS

Pinagtibay ng China ang kapangyarihan ng mga coast guard nito na mang-aresto ng mga ‘foreigners’ na ilegal na papasok sa kanilang borders.

Batay sa regulatory document ng Beijing, maaaring hulihin ng China Coast Guard (CCG) ang mga manghihimasok sa kanilang tertitoryo nang walang trial o paglilitis.

Ang pag-hold umano ng Chinese government sa mahuhuling ilegal na pumapasok sa border ng China ay maaaring tumagal ng hanggang 60 days.

Batay naman sa isang article ng South China Morning Post, sinasabing ito ang unang beses na pinagtibay ng isang partikular na regulasyon ang law enforcement procedure ng Coast Guard para sa ‘administrative detentions.’

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Nakatakdang maging epektibo ang bagong regulasyon sa susunod na buwan, o sa June 15.

‘EMPTY THREATS’

Naniniwala si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela na ‘illegal’ ang pinagtibay na regulasyon ng China hinggil sa paghuli ng mga ‘foreigners’ na papasok sa kanilang teritoryo.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Ayon kay Tariella, masasabi nilang iligal na aksyon na naman ito ng Beijing, kasabay ng ipinipilit nilang imaginary 9-dash line.

Maliban dito, sinabi rin niyang palagay niya ay hindi seryoso ang China sa pag-aresto ng mga sibilyan sa lugar.

Posible raw kasing kwestyonin din ng ilang mga bansa gaya ng Vietnam, Malaysia, at Indonesia ang aksyong ito ng Beijing.

Sa huli, nanindigan si Tarriela na ang attempt na panghuhuli sa mga mangingisda EEZ ng Pilipinas ay makokonsidera bilang pangha-harass alinsunod na rin sa UNCLOS.