Deployment ng mga barko ng China sa civilian-led resupply mission, tinawag na ‘overkill’ ng PCG

Kinundena ng Philippine Coast Guard (PCG) ang umano’y ‘overkill’ na ginawang deployment ng China, kasabay ng civilian resupply mission ng Atin Ito! Coalition kamakalawa.

Matatandaaang pinalibutan kasi ng China ang grupo, at nagtangka silang pigilin ang misyon sa bahagi ng Scarborough Shoal.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Sabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela – nasa 100 China Coast Guard (CCG) vessels, 10 Chinese maritime militia ships, at isang People’s Liberation Army (PLAN) ship, ang ibinalandra ng China sa Panatag Shoal.

Ayon kay Tarriela – malinaw daw na ‘paranoid’ na ang China.

Read More:  Torre defends Marikina River payloader operation

Matatandaaang sa kasagsagan ng resupply mission, hinarang ng ilang warships ng China ang civilian convoy.

Sa kabial nito, naging matagumpay pa rin ang kanilang misyon dahil nagkaroon sila ng advanced party na nakalusot sa barikada ng China.