Baguio City Mayor Magalong, pinuna ang people’s initiative sa pagdinig ng RBH6

Pinuna sa naganap na pagdinig ngayong araw ng Senate Subcommittee on Resolution of Both Houses No. (RBH6) ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang naging pagsusulong ng ilang mambabatas sa People’s Initiative (PI).

Anya, naniniwala siyang ‘purely unethical’ ang pagsasagawa nito sa konstitusyon.

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Ngunit sa kabila nito, tiniyak naman niyang suportado niya ang anumang batas na naglalayong magdala ng economic opportunities sa mga Pilipino.

Samantala, isinulat naman ni Ilocos Sur Board Member Ercison Singson sa kanyang position paper na mahalaga ang mabilisan pagbabago para sa ikakabuti ng ekonomiya.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Maalala, isa sa nagdulot ng mainit na usapan sa pagitan ng mababa at mataas na kapulungan ang PI dahil sa tila kahina-hinalang pagpapaikot ng papel na ito para mag-signature buying campaign na nag-aalis umano sa kapangyarihan ng institusyon ng Senado.