China may karapatan naman talaga umanong gumanti sa Pilipinas sa gitna ng isyu ng wiretapping

Muling ibinahagi ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino na sa darating na Martes na nakatakdang ikasa ang pagdinig hinggil sa wiretapping issue.

Ngunit paglilinaw niya, ang magiging pokus ng pagdinig dito ay ang ‘di awtorisadong pag-record ng Chinese diplomat sa di umano’y naging usapan nila ng armed official at hindi tungkol sa napag-usapan na ‘new model’.

Kaugnay nito, una ng binanggit ng senador na maaring ideklarang persona non-grata ang diplomat habang pupwede namang ma-downsize ang bilang ng mga empleyado ng Chinese embassy kung mapatunayan ang paglabag.

Alinsunod nito, sinabi ni Tolentino na may karapatan naman din ang China na gumanti sa Pilipinas kung nais nito.

Maaalala, kamakailan ay nagbabala ang Beijing na maaring magdulot ng panganib ang anumang padalus-dalos na aksyon ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *