Mga pulis na may kaso, hindi makakatanggap ng mid-year bonus ayon sa PNP

Hindi muna makakatanggap ng mid-year bonus ang mga pulis na may kinakaharap na mga kaso at mga nagsisilbi ng parusa bilang bahagi ng disciplinary policy ng PNP

Ito’y kasunod ng pag-released sa mahigit P7.6 Billion para sa mid-year bonus ng mga pulis.

Simula kahapon ay pumasok na sa ATM Payroll Accounts sa Land Bank of the Philippines ang bonus ng mga pulis.

Ang bonus na katumbas ng kanilang one-month basic salary ay ibinigay sa mga PNP Personnel na naglingkod nang hindi bababa sa apat na buwan mula July 1, 2023 hanggang May 15, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *