Naging matagumpay ang ikalawang araw ng civilian-led resupply mission ng Atin Ito! Coalition.
Ayon kay Akbayan party president Rafaela David – matagumpay nanakapaghatid ng mga supply gaya ng food packs at gasolina ang kanilang advance team, na nauna ng isang araw bago ang mismong civilian contingent ng grupo.
Nakalampas daw ang mga ito mula sa ginawang pagharang ng mga barko ng China.
Kinabibilangan ito ng sampung miyembro mula sa Akbayan Party, Pambansang Katipunan ng mga Samahan sa Kanayunan (PKSK) at ang Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM).
Dahil dito, naipaabot nimla ang nasa 1,000 liters ng diesel; at 200 mga food packs.
Matatandaaang na-monitor ng grupo ang pagbuntot ng isang Chinese PLA Navy Ship 175 malapit sa Bajo de Masinloc.
Nakita rin ang isa pang warship ng China na PLA 668 na umaaligid sa grupo.
Kaagad din namang bumantay ang barko ng Philippine Coast Guard.