Nakatakdang maghost ang China sa 2022 Asian Games na gaganapin sa 2023, matapos maipagpaliban ang event sa Hangzhou dahil sa COVID-19.
Ang Games ay orihinal na itinakda sa Setyembre ngayong taon, pero ipinagpaliban ito ng mga organizers sa Mayo, sa harap ng malawakang COVID-19 resurgence na kinahaharap ngayon sa ilang bahagi ng bansa.
Dahil dito, sinabi ng Olympic Council of Asia (OCA) na ang event ay isasagawa sa Hangzhou mula September 23 hanggang October 8 2023.
Una nang sinabi ng mga organizers na natapos na ng Hangzhou, ang kontruksyon sa 56 competition venues para sa Asian Games at Asian Para Games.
Nabatid na ang Hangzhou ang pangatlong lungsod sa China na maghohost sa continental competition matapos ang Beijing noong 1990 at Guangzhou noong 2010.
