China, lalo pang hinigpitan ang restrictions sa major cities

Lalo pang hinigpitan ng China’s northern port city ng Tianjin at central province ng Henan ang kanilang Covid restrictions, sa harap ng patuloy na pagkalat ng mas nakakahawang Omicron variant.

Kaugnay nito, nagsimula na ang Tianjin ng kanilang second round ng mass testing sa 14 million residents.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Dahil naman na kumalat na ang outbreak sa Anyang, Henan province, ay nagpatupad na sila ng full lockdown.

Dahil dito, ang lahat ng bus services papuntang Beijing ay sinuspende na, habang ang train tickets mula Tianjin papuntang Beijing, ay hindi narin mabibili sa online.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Kahapon naman, 425 flights ang kinansela sa Tianjin Binhai International Airport, o halos 95% ng lahat ng scheduled flights.