Nagbabala sa Pilipinas ang isang spokesperson mula sa foreign ministry ng China na ang pagkuha ng suporta mula sa ibang bansa ay posibleng makapagpahina sa katatagan ng rehiyon.
Mababatid na una nang tiniyak ng US ang $500 million na pondo para sa militar at coast guard ng Pilipinas bilang pagsuporta sa Maynila, sa gitna ng kinahaharap nitong mga aksyon mula sa China sa pinag-aagawang katubigan.
Sinabi ni spokesperson for the Chinese foreign ministry Lin Jian na inuulit nila ang posisyon nila sa isyu.
Aniya, ang US ay hindi ‘party’ sa usapin ng South China Sea.
Wala rin aniya itong karapatang mangialam sa maritime issues sa pagitan ng dalawang bansa.