China, handa umanong maayos ang pagkakaiba ng posisyon sa South China Sea

Handa umano ang China maayos ang pagkakaiba ng posisyon sa South China Sea sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon.

Sinabi ng China na hindi nila isasara ang Pintuan para sa maayos na pakikipag-usap sa Pilipinas.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Mababatid na giniit ng China na kasalanan ng Pilipinas ang huling insidente sa West Philippine Sea sa pagitan ng mga Chinese Coast Guard at barkong pandagat ng bansa.

Sinabi ng Chinese embassy dito sa Pilipinas na ginagawa ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang kanyang trabaho para mapabuti ang relasyon ng China at Pilipinas.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Umaasa umano ang Chinese embassy na sa susunod na taon ay magdudulot ng mas maraming benepisyo ang relasyon ng China at Pilipinas para sa mga Pilipino at Chinese.