Nakapagbayad na ng surety bond ang anim na suspek na akusado sa pagkawala ng anim na sabungero noong 2022.
Ito ay sina Julie Patidongan, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano Jr., Gler Cudilla, at Johnry Recapor Consolacion.
Matatandaan na tinakda ng Manila RTC Branch 14 ang pyansa na may kabuuang P3 milyon kada akusado para sa tig-anim na count ng kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala ng anim na sabungero.
Pero sa halip na bail bond, surety ang pinili ng mga akusado.
Kung ang buong pyansa ay nakukuha sa buong paglilitis, ang surety naman ay pagbabayad lamang ng porsyento nito pero hindi na maibabalik sa mga akusado.
Balak naman ng prosekyusyon na maghain ng motion for consideration laban sa pagpayag na makapagpyansa ang mga hinihinalang suspek.
