CHED Chairperson Prospero De Vera, bisita sa Bicol ngayong araw

BNFM BICOL—Inaasahan ang pagdating sa Bicol region ngayong araw ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera III.

Nakatakda nitong kausapin ang mga presidente ng mga higher education institutions (HEIs) at ng Bicol Foundation for Higher Education at bisitahin na rin ang mga grantees ng Unified Financial Assistance System for Tertiary (UNIFAST) sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Ma. Teresa de Alban, chief education program specialist ng CHED Bicol, layunin ng gagawing dayalogo ang matukoy ang mga concerns at pangangailangan ng mga ito para maaksyunan ng komisyon.

Magsasagawa rin ito ng campus inspection sa Bicol University (BU) bilang paghahanda para sa limited face-to-face classes ng unibersidad.

Mababatid na nasa limang HEIs sa Bicol ang napahintulutang magpatupad ng limited face-to-face classes para sa ilang degree programs abasta makakasunod ang mga ito sa lahat ng requirements sa health protocols.

Kasama ni De Vera sa pagbisita sa rehiyon si CHED Commissioner Aldrin Darilag at UNIFAST head Atty. Ryan Estevez. Ito ang unang pagkakataon na bibisita sa rehiyon ang CHED Chairperson.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *