Cong. France Castro, tatakbo sa pagka-senador sa 2025

Kinumpirma ni House Deputy Minority Leader France Castro na kakandidato siya sa pagka-senador sa paparating na 2025 midterm elections.

Inihayag ito ni Castro sa ikaapatnapu’t dalawang anibersaryo ng Alliance of Concerned Teachers kung saan inudyok siya ng mga guro na tumakbong senador.

Sa kanyang talumpati ay malugod na tinanggap ni Castro ang hamon ng grupo ng mga guro.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Bago ito, naglabas ng “open letter” ang ACT para himukin at suportahan ang kandidatura ng kongresista upang isulong na magkaroon ng kauna-unahang public school teacher sa Senado.

Giit ng grupo, bibitbitin nila ang adhikain na itaguyod ang karapatan at laban para sa trabaho at sahod gayundin ang makabayan at makamasang edukasyon.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Bagama’t matunog umano sa social media na si Castro ang dapat na italaga bilang susunod na kalihim ng Department of Education, binigyang-diin ng ACT na mas magiging malawak na larangan ang Mataas na Kapulungan.

Mababatid na matatapos na ang ikatlong termino ni Castro ngayong 19th Congress bilang kinatawan ng ACT Teachers Party-list.