Centenarian sa Daraga, Albay, nakatanggap ng insentibo mula sa DSWD

LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng insentibo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang centenarian na si Lola Remedios Macasinag Maceda na residente ng San Vicente Pequeño, Daraga, Albay.

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng Daraga Public Information Office, nakatanggap siya ng PHP 100, 000 at letter of felicitation na personal na inabot ng ilang mga kinatawan mula sa DSWD Bicol Centenarian, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Officer for Senior Citizens Affairs (OSCA) at iba pa.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala, ayon sa kuwento ni Lola Remedios, isa sa mga sikreto niya ang magandang pakikitungo sa kapwa sa kabila ng mga biyaya na mahabang buhay na kaniyang natanggap.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa ngayon, umabot na sa 14 ang kabuohang centenarian ang naitala ng MSWDO na nabigyang insentibo sa nasabing bayan mula sa taong 2019. | WENCY LISAY