Celtics vs Heat maghaharap sa NBA Eastern Conference finals

Tinanggalan ng korona ng Boston Celtics ang defending champion Milwaukee Bucks matapos itong tambakan sa Game 7 ng NBA Eastern Conference finals, 109-81.

Nagpaulan ng 3-point shots ang Boston sa second-half at tuluyang iniwan ang Bucks hanggang sa huling segundo ng laro.

Umabot sa 22 tres ang naipasok ng Celtics kumpara sa apat na naibuslo ng Bucks.

Bumida sa panalo si Grant Williams sa kanyang 27 points kabilang ang 7 tres

Nagdagdag naman ng 23 puntos si Jayson Tatum at 19 points si Jaylen Brown.

Humakot naman ng 25 points at 20 rebounds si Giannis Antetokounmpo para sa Milwaukee.

Dahil sa panalo makakaharap Celtics ang no. 1 seed sa East na Miami Heat na una nang pumasok sa NBA semi-finals matapos idispatsa ang Philadelphian 76ers.