Cellphone na iniwan sa motorsiklo, ninakaw!

Sapul sa CCTV camera ang pagnanakaw ng cellphone na nakalagay sa motorsiklo sa Barangay Sta. monica sa Puerto Princesa bandang alas-singko ng hapon nitong Martes, ika – 7 ng Pebrero.

Ang biktima ay si Jerome Valera, 18 anyos, high school student.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kwento niya sa Brigada, ipinarada niya ang Honda Beat Motorcycle sa talipapa ng Sta. Monica kahapon at may kinuha lamang siyang sander.

Pagbalik niya sa kanyang motorsiklo ay wala na sa bulsa o lalagyan nito ang cellphone na Vivo Y20i na ginagamit niya sa pag-aaral na katatapos lamang mabayaran ng buo.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Makikita sa CCTV na mabilis na nadampot ng lalaki ang kanyang cellphone bago ito naglakad at sumakay ng motorsiklo.

Samantala, ang insidente ay nai-blotter na sa Barangay.