5 umanong holdaper/carnapper, arestado sa Alaminos, Laguna

Arestado ang limang mga umano’y holdaper at carnapper sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Alaminos, Laguna.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Romeo, Joel, Jerwin, John at Albert.

Ayon sa Alaminos Municipal Police Station, inilunsad nila ang operasyon kasama ang Dasmariñas City Police Station dakong 2:20 ng madaling noong Pebrero 6, 2023 matapos na inireklamo ang mga suspek na sangkot umano sa pagnanakaw at pangangarnap ng motorsiklo.

Read More:  School threat averted in Sultan Kudarat; student arrested in South Cotabato

Matapos masakote ay nakumpiska sa mga suspek ang isang puting unit ng Honda beat motorcycle, isang unit ng Keeway SYM motorcycle, isang unit ng iPhone 11 Pro, wallet na naglalaman ng mga IDs, cash na 800 pesos, isang unit ng cellphone, isang pekeng baril, balisong at double blade dagger.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Nasa kustodiya na ng Alaminos MPS ang mga suspek na mahaharap sa kasong Robbery with Force and Intimidation and Carnapping.