CCTV camera ikakabit sa dalawang border checkpoint ng lalawigan

CAMARINES NORTE- Kakabitan na ng closed-circuit television (CCTV) camera ang dalawang border checkpoint sa lalawigan ng Camarines Norte na matatagpuan sa Tabugon, Sta Elena at Tuaca, Basud.

Ito ang inanunsiyo ni Governor Edgardo Tallado kaninang umaga sa isinagawang Flag raising ceremony sa gitna na rin ng mga reklamong may mga nakakalusot kahit walang kaukulang dokumento o negative result ng Rapid Antigen test.

Ayon sa Gobernador kakabitan na bukas ng CCTV camera ang dalawang border checkpoint para maiwasan na umano ang pandaraya at sabwatan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

“Nagpakabit na po ako dun ng CCTV para yung mga mandaraya diyan, yung mga kawani natin na nakikipag kutsabahan sa mga pumapasok na kahit walang antigen, hindi dumadaan sa proseso, hindi sila ina- antigen eh pinapalusot nila, basta may kapalit lang na pera,” ani Tallado.

Kasabay nito ay hiniling din ng opisyal ang kooperasyon ng publiko para masugpo ang COVID- 19 lalo na at mayroong banta ng Delta variant.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Matatandaang una na ring sinabi ni Acting Provincial Health Officer at Incident Commander for Health Dr. Arnel Francisco na isa sa mga stratehiya nila ay ang regular na pagbalasa sa mga nagbabantay sa checkpoint upang maiwasan ang “familiarity.”

Mayroon din umanong plano na mag surprise inspection ang mga Incident Commanders sa border checkpoint.