CCG, binangga ang 2 barko ng AFP na magdadala ng supply sa Ayungin Shoal

Binangga ng dalawang barko ng China Coast Guard at Chinese maritime militia ang dalawang barko ng Pilipinas na magdadala ng mga supply sa mga tropang nakaistasyon sa Ayungin Shoal.

Nagsasagawa ng rotation and resupply mission ang naturang barko ng AFP sa BRP Sierra Madre nang mabangga ito ng vessel ng China Coast Guard na CCGV 5203.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Binangga din ang Philippine Coast Guard vessel na MRRV 4409 ng Chinese Maritime Militia vessel na CMMV 00003.

Sinabi ng CCG, na legal ang pagharang nito sa illegal na pagbiyahe ng construction materials sa BRP Siera Madre.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Ayon sa task force, ang pagbangga sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas ay patunay sa pagbalewala ng China sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS) at ang 2016 Arbitral Award.