5 Wanted Persons , arestado sa isinagawang manhunt operations ng pulisya sa Probinsiya ng Cavite

Limang wanted persons ang arestado sa isinagawang manhunt operations ng pulisya sa probinsiya ng Cavite.

Naaresto ng Gen Emilio Aguinaldo MPS ang tatlo sa limang wanted persons kabilang dito ang isang kinilalang si alyas “Emer” at alyas “Aries” dahil sa kasong Estafa na inisyu ng RTC Br 134 Tagaytay City, Cavite na may piyansang inirekomendang Php54,000.00.

Sa pagkakaaresto sa 2 , napag-alaman nahaharap din ang mga ito sa kasong paglabag sa Sec. 5 ng PD 957 na inisyu ng RTC Br 134 Tagaytay City, Cavite.

Samantala, naaresto rin si alyas “Benigno” sa kasong Robbery In A Public Building sa ilalim ng Article 299 ng Revised Penal Code na inisyu ng RTC Br 134, Tagaytay City, Cavite.

Sa Bacoor City, naaresto naman si alyas “Acezer” dahil sa kasong rape habang inaresto sa Imus City ang isang alyas na “Boss Gerry” na wanted dahil sa kasong Frustrated Murder at Attempted Murder.

Ayon kay Cavite Police Provincial Office, ang pagkakaaresto sa mga wanted persons ay resulta ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa mga taong nagtatago sa batas. (BRIGADA INTERN – KHEN ALIX)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *