CBCP, may paglilinaw sa ginawang pagpayag ng Vatican sa blessing ng same-sex couples

Nilinaw ng Catholic Bishops’ Press Confrence of the Philippines (CBCP) na ang inilabas na Fiducia Supplicans ng Vatican ni Pope Francis kung saan ay papayagan ang pagbasbas sa mga same-sex couples.

Sa kanilang inilabas na advisory – idiniin ang limang mga paragraphs para rito hinggil sa rites ng isang magkapareho na parehas ang kasarian.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi pa rin pormal na sanctification ang naturang blessing.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Hindi rin umano mababago ng Fiducia Supplicans ang mismong pananaw ng Simbahang Katoliko sa same-sex marraige at unions.

Samantala, sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Rev. Ceejay Agbayani ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender and Straight o LGBTS Christian Church Philippines, sinabi niyang naging matapang ang desisyon ni Pope Francis.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Dahil dito, posible raw na muling mahihikayat ang mga LGBT na magbalik sa simbahan.
VC_AGBAYANI_FOLLOW THE POPE

Dagdag pa ni Rev. Agbayani, dahil sa pagpapahintulot ng Simbahang Katolika na basbasan ang same-sex couple ay ipinapakita lang nito ang pagkakapantay-patay ng lahat ngunit batid aniya nila na may iba ring hindi kaagad ito matatanggap.
VC_AGBAYANI_AALIS SA SIMBAHAN