Bill para maagang makaboto ang mga seniors, PWDs OK sa House panel

Aprubado na ng House Suffrage and Electoral Reforms ang isang panukalang batas na nagpapahintulot sa mga senior citizens o mga may edad na 60 pataas pati na rin ang mga taong may kapansanan na bumoto nang mas maaga sa nakatakdang araw ng halalan.

Inaprubahan ng panel ang wala pang bilang na House bill na magpapahintulot sa mga karapat-dapat na nakatatanda at PWD na bumoto sa loob ng 7 working days bago ang petsang itinakda para sa national and local elections.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ito ay sa kondisyon na sila mismo ay nakarehistro para sa maagang pagboto.

Sinabi ni Horacio Suansing ng Sultan Kudarat at Mikaela Suansing ng Nueva Ecija na ang mga seniors at PWD ay nararapat sa parehong voting priviledge na tinatamasa ng mga OFWs, mga opisyal at empleyado ng gobyerno, mga media practitioner, mga miyembro ng sandatahang lakas at pulisya.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Samantala, inaatasan din ng panukala ang Commission on Elections o Comelec na tiyaking ligtas at mapupuntahan ng mga matatanda at PWD ang kanilang mga presinto. //MHEL PACIA