Napanatili pa ng Bagyong Kristine ang lakas nito habang nasa may silangang bahagi ng Bicol Region.
Sa 11AM bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 kilometro, silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 65 kilometro kada oras, at bugsong aabot ng 80 kilometro kada oras.
Mabagal pa rin ang galaw nito sa 10 kilometro kada oras sa direksyong pa-kanluran.
Sa ngayon, nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Catanduanes.
Signal number 1 naman sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon kabilang ang Pollilo Islands, Masbate kabilang ang Ticao Island, Burias Island, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group.
Hindi naman isinasantabi ang pagtataas ng hanggang signal number 3 dahil sa mabilis na paglaas ng bagyo.
Inaasahan itong lumakas bilang isang severe tropical storm bago mag-landfall sa Isabela o northern Aurora bukas ng gabi, o sa Huwebes ng umaga.
Maaari rin itong umabot sa typhoon category bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes.