30-M individuals – posibleng maapektuhan ng Bagyong Kristine

Lalu pang tumaas ang pinangangambahang maapektuhan ng Bagyong Kristine.

Ayon kay Civil Defense Administrator USEC. Ariel Nepomuceno, maaaring makaapekto sa 30 milyon katao sa iba’t-ibang rehiyon mula Luzon hanggang Mindanao ang bagyo.

Dahil sa inaasahang epekto, Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paghahanda ng publiko upang mabawasan ang epekto nito.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Samantala, ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB), higit sa 18,000 barangay ang nasa peligro ng landslide at pagbaha, partikular sa Central Visayas, Cordillera, Eastern Visayas, Ilocos, MIMAROPA, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Read More:  3 dead, 6 injured in Banga National High School shooting; Grade 11 suspect among fatalities

Sa Metro Manila, 1,403 barangay ang maaaring bahain, kabilang na ang mga lugar sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Pasay, Pateros, Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque, Taguig, Quezon City, Mandaluyong, Marikina, Pasig, San Juan, at Maynila.