BICOL – Mayroon na namang panibagong kaso ng Covid 19 na naitala ang DOH Bicol kahapon sa rehiyon.
Sa ulat, apat ang karagdagang kaso na nairekord kahapon kung saan dalawa nito ay mula sa Guinobatan Albay, isa sa Iriga City Camarines Sur at isa naman sa lungsod ng Pasig ngunit dito naitala sa Bicol.
Dahil dito, pumalo na sa 2,723 ang kabuoang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.
Samantala wala namang naiulat na pagkasawi kahapon kung kaya’t nananatili sa 1,948 ang death toll sa rehiyon.
Sakabila nito, mayroon namang 59 na mga indibdiwal ang gumaling sa nasabing sakit kung saan 38 ang mula sa Camarines Sur; anim sa lungsod ng Legazpi, sampo sa lalawigan ng Albay at lima sa Naga City.
Sa ngayon aabot na sa 42,110 ang Covid 19 Total Recoveries sa Bicol Region.
Patuloy naman ang paalala ng ahensya sa publiko na manatiling sumunod sa minimum public health standards upang mapanatili ang mababang kaso ng COVID sa rehiyon.###