Tinupad ni Pinoy Sakuragi Marc Pingris ang kanyang pangakong tatakbo ng naka-bra kapag manalo ang Pilipinas sa Mobile Legends: Bang Bang M3 World Championship.
Dalawang araw matapos masungkit ng Balacklist International ang kampeonato ibinahagi ng dating PBA star ang video bilang patunay na totoo siya sa kanyang salita.
Nakasaad sa post ang, “At ito na nga… dahil nanalo kayo at nag-promise ako ito na tinupad ko na. Tumakbo ako sa village namin kanina na kakaiba ang suot.”
“Katuwaan lang ‘to guys. Proud lang talaga tyo sa naabot ng team nila,” dagdag pa nito.
Magugunitang nilampaso ng Blacklist ang Onic PH sa pamamagitan ng 4-0 win sa isang all-filipino grand finals ng M3 World Championship.
