Hindi kumbinsido si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa paliwanag ng ilang ahensya para sa isyu ng selfie photos kasama si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Mababatid na noong makauwi si Guo sa bansa, maraming mga tauhan ng gobyerno ang nagpa-picture, at nagpa-selfie dito.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Remulla na hindi pa rin siya satisfied sa naging paliwanag ng mga taong involved sa isyu.
Kasunod nito, ipinag-utos ng kalihim sa mga government officials na mag-isyu ng cause orders laban sa mga taong nagpa-picture at nagpa-selfie kasama si Guo.
Sa huli, iginiit ni Remulla na hindi maaaring mangyari ito lalo pa’t wanted si Guo – bagay na hindi umano dapat i-celebrate.