Casimero, nilapitan na si Arum para hilingin na makalaban si Inoue

Lumapit na si WBO bantamweight champion John Riel Casimero kay Top Rank CEO Bob Arum para personal na hilingin na makalaban si Naoya Inoue.

Nagkaroon si Casimero na makausap si Arum sa Virgin Hotel sa Las Vegas, base sa kanyang Youtube video.

Ikinatuwa naman ni Arum nang makausap nito si Casimero.

Natanong naman ni Arum kay Casimero kung ang susunod ba nitong kalaban ay si Guillermo Rigondeaux, na ayon sa kanya ay mahirap na kalaban.

Kung maalala ay dapat makakalaban ni Casimero si Inoue para sa triple-title bout noong Abril ng nakaraang taon.

Gayunman, nakansela ito dahil sa pandemya.

Nanatili rin si Casimero sa US sa loob ng maraming buwan para hintayin na maganap ang laban na kalaunan ay naibigay sa Australian na si Jason Moloney.