BICOL – TINIYAK ngayon ng pamunuan ng Police Regional Office 5 na istrikto pa ring naipapatupad sa kanilang hanay ang mga health at safety protocols kontra covid-19.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pnp personnel sa rehiyon tinatamaan ng virus.
Ayon kay Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PNP-Bicol, aabot sa 140 na mga police personnel sa Bicol na nagpositibo sa sakit ang kasalukuyang naka isolate simula nitong unang linggo ng Hunyo.
Mahigit 60 sa bilang na ito ay mga partisipante ng isinagawang Public Safety Junior Leadership Course sa kanilang Regional Training Center.
Mahigit umano isang linggo pagkatapos magsimula ng kanilang non-academic training ay isang partisipante ang nagsimula nang magpakitang sintomas ng virus.
Agad umano itong isinailalim sa isolation at kalaunan ay nagpositibo. Lahat din ng apektadong personahe ay naka quarantine na at isinasailalim sa kaukulang gamutan gayundin tuloy tuloy ang ginagawang contact tracing sa mga posibleng nahawa pa.
Bilang bahagi pa rin ng safety measures, hindi muna pinahihintulutan ang mga menor de edad at senior citizens na makapasok sa kampo habang patuloy ang disinfection at clwan-up drive.
Samantala, ang iba pang partisipante ng nsabing pagsasannaay na naf negatibo sa covid-9 testing ay inaasahang makakabalik na sa kani-ka nilang mga unit assignments.
Tinatayang aabot na sa mahigit 400 ang confirmed cases sa hanay ng PNP sa Bicol kung saan mahigit 280 na ang nakarekober at wala ring naiulat na nasawi.
//File photo