Cashless transaction sa palengke at public transpo sa Angeles, pinaplantsa na

Pinag uusapan na sa City Council ng Angeles city ang pagpapatupad ng cashless transaction sa mga palengke at pampublikong sasakyan sa lungsod.

Kahapon dumalo sa committee hearing na pinamumunuan ni Councilor Alfie Bonifacio ang mga business establishment owner at ang local transportation para talakayin ang Paleng-QR Program ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Read More:  ₱1.2M worth of fake food seasoning voluntarily surrendered in Bacolod

Ang Paleng-QR ay naglalayon na palawakin ang digital payments, o ang pagbabayad gamit ang mga digital device sa pamamagitan ng QR PH.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Pero sa kabila nito, may choice pa rin ang mga mamimili na magbayad ng cash.

Samantala target ng Angeles city na masimulan ang pagpapatupad ng cashless transaction sa buwan ng Marso.