Schedule ng COVID-19 vaccination para sa 1st dose sa isang vaccination site sa lungsod ng Legazpi, kanselado muna

BICOL—Kinansela muna ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi ang sana’y nakatakdang pagbabakuna ng first dose ng COVID-19 vaccine sa Legazpi City Convention Center.

Naka schedule sana ito simula kahapon, July 26, 2021 pero ayon kay Mayor Noel Rosal, kailagngan munang maiprayoridad ang mga tuturukan ng second dose.

Ang mga bagong dumating kasi umanong bakuna ay lahat para sa second dose na kailangang makakumpleto ng turok mula July 26 hanggang August 8, 2021.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Anya, mag-aanunsyo na lamang silang muli kung kelan ang panibagong schedule ng para sa first dose sa L3C.

Samantala, muli namang ipinaaalala ng LGU ang panibagong guidelines ng IATF sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Kabilang sa mga highlights nito ang pagbabawal sa mga 14 years old below na pumasok sa mga establisimiento.

Tanging ang mga 15-anyos pataas ang siyang pinapayagang magtungo sa mga establisimiento para sa mga essential goods, services and activities kasabay ng mahigpit pa rin implementasyon ng health protocols.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang mga open parks ay bukas pero kailangang maipatupad ang istriktong health protocol habang 75% venue capacity naman ang papayagan sa mga amusement at theme parks.

Pinapayagan ang mga social events sa mga eligible venue establishments pero kailangang 50% lamang ng seating o venue capacity.

Zero new case kahapon ang lungsod ng Legazpi sa COVID-19 pero hindi umano ito garantiya para magpakakampante ang lahat. || SLM