Case build-up sa illegal mining site sa Paracale, CamNorte isinasagawa na

Nagpapatuloy ang isinagawang case build-up ng mga otoridad sa sinalakay na illegal mining site sa Paracale, Camarines Norte nitong nakalipas na araw.

Sa press briefing sa Malacañang, tumanggi si DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na i-detalye ang posibleng criminal charges na kakaharapin ng nagpapatakbo sa naturang minahan, dahil on-going anya ang case build up hinggil dito.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Una nang sinabi ng Mines and Geosciences Bureau na inisyuhan na ng cease and desist order ang minahan, kung saan naaresto ang 11 mga Chinese nationals.

Ayon pa kay Loyzaga, may kaukulang permit ang minahan noong 2023, pero na-flag dahi sa pag ooperate ng lagpas sa permitted area.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Nilinaw naman ng kalihim na dahil small scale mining ito, ang lokal na pamahalaan ang may responsibilidad sa pag apruba ng mga kaukulang permit, partikular ang Provincial Mining Regulatory Board na itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 7076 o ang “People’s Small-Scale Mining Act of 1991.”