POGO hub malapit sa Senado – ni-raid

Sinalakay ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kasama ang National Bureau of Investigasyon (NBI) ang isang POGO hub sa Pasay City.

Matatagpaun ito sa kahabaan ng Macapagal Avenue – ilang metro lang ang layo mula sa Senado na maaalalang ilang buwan inimbestigahan ang issue ng POGO.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ang naturang POGO Hub ay rehistrado sa pagsasagawa ng gaming operations ngunit nakatanggap umano ng report ang mga otoridad na sangkot ito sa love scam activities.

Nakita sa mga monitors sa naturang POGO Hub ang ilang ebidensya na nagsasagawa sila ng love scam/romance scam kung saan nagpapadala pa ito ng litrato ng isang babae kahit lalaki naman ang katransakyon.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Umabot na sa 200 mga indibidwal ang naaresto ng mga otoridad mula sa POGO Hub kung saan, mayorya ay mga foreign nationals.