Carlos pormal nang umupo bilang bagong PNP chief

Pormal nang nilisan ni Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar ang liderato ng pambansang pulisya ngayon araw.

Ipinasa ni Eleazar ang tungkulin at pananagutan ng isang PNP chief kay Lt. General Dionardo Carlos.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Isinagawa ang turnover ceremony sa Camp Crame na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte virtually.

Si Carlos ay itinalagang PNP Directorial Staff at naging tagapagsalita ng pambansang pulisya bago hirangin ni Pangulong Duterte bilang pinuno ng PNP chief.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Samantala ngayong hapon din nagkaroon ng turnover ceremony sa liderato ng Armed Forces of the Philippines kung saan pinalitan ni Lieutenant General Andres Centino si Lieutenant General Jose Faustino Jr, bilang bagong AFP chief.