Kumubinsido si Senate Finance Committee chairman Sonny Anggara na hindi mabibigyan ng zero budget para sa 2022 ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ito ay matapos batikusin ng mga kritiko ang NTF-ELCAC dahil sa mababang performance sa implementasyon ng mga proyekto.
Paliwanag naman ni Angara maganda naman umano ang programa ng NTF-ELCAC subalit kailangan lamang nitong magbigay ng mas detalyadong paliwanag sa senado kung saan at kung ano-anong proyekto ang natapos na nito.
Sa kabila nito mabibigyan pa rin naman ng pondo ang NTF-ELCAC at tulad ng ibang ahensiya tungkulin nito na ilahad kung saan at papaano ginamit ang budget dahil kung hindi tiyak na hahabulin ito ng Commission on Audit.