Umakyat pa sa 70.12% ang capacity utilization rate ng COVID 19 beds sa government at pribadong pagamutan sa buong lalawigan ng Isabela.
Ito ay batay sa pinakahuling inilabas na datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, August 16, 2021.
Mula sa kabuuang 723 hospital beds, nasa 507 dito ang okupado na habang mayroong pang natitirang 237 available beds.
Sa ngayon ay nakategorya ang lalawigan bilang high risk sa DOH Hospital Use Classification.
Tumaas pa sa 1,250 ang aktibong kaso sa Isabela matapos maitala ngayong araw ang karagdagang 127 new COVID-19 cases.
Nasa 922 na ang nasawi habang 28,025 ang total recoveries.
Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ang lahat na mahigpit na sumunod sa umiiral na health safety protocols sa pamamagitan ng pagsusuot ng double face mask at face shield lalo na kung magtutungo sa mga pampublikong lugar.
Patuloy din ang panawagan ng Pamahalaang Panlalawigan na magpabakuna upang dagdag proteksyon laban sa banta ng COVID-19.
Image: Isabela PIO