Cansan-bagutari mega bridge, nasa 83% nang tapos

Nasa 83.02% nang tapos ang konstruksyon ng Cansan-Bagutari mega bridge sa Lalawigan ng Isabela na inaasahang makatutulong sa socio-economic development ng probinsya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa DPWH Region 2, mapapabilis umano nito ang biyahe ng mgaa residente mula Cabagan papuntang Sto. Tomas, Isabela.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Inihayag naman ni RD Loreta  Malaluan na makakatulong ang naturang tulay para sa ligtas na transportasyon ng mga agricultural at commercial products mula sa liblib na lugar papunta sa mga karatig na probinsya.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Kabilang sa naturang proyekto ang konstruksyon ng 905.17 linear-meter ng mga panibagong kalsada at 720.8 linear-meter Cansan Bridge.

Sa kabuoan, pinondohan ito ng 637 milyon na nadagdagan pa ng 323 milyon para sa 2022 sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA)2018-2022 ng Multi-Year Contractual Authority (MYCA).