18 bagong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte naitala kahapon; DOH muling nagpaalala sa mahigpit na pagsunod sa health protocols

CAMARINES NORTE- 18 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan na nagmula sa limang (5)bayan.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa mga bayan ng Vinzons na may apat (4) , my tig-ta-tatlong (3) kaso naman ang naitala sa mga bayan ng Jose Panganiban, San Lorenzo Ruiz at Talisay habang may isang (1) kaso ang bayan ng San Vicente

Read More:  FEU Alabang suspends classes, onsite work amid bomb threat

Bunsod nito sumampa ng muli sa 339 ang aktibong kaso mula sa kabuuang bilang na 1,680

Habang wala namang naitalang bagong kaso ng mga nakarekober sa sakit kung kaya’t nananatili ito sa 1,262 gayundin ang mga nasawi dahil sa COVID-19 na nasa 79

Muling ipinaalala ng Department of Health (DOH) ang mahigpit na pagsunod sa health protocols sa mga pampublikong lugar maging sa mga opisina man

Read More:  Police officer seriously injured after vehicle crashes into checkpoint Misamis Occidental

Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 at sa banta ng delta variant.

Ayon sa naturang kagawaran, importanteng huwag kalimutan at palagiang sundin ang minimum public health standard.

magkaroon ng physical distancing, palaging isuot ang face mask at maghugas ng kamay.